Maraming komong palagay, narating sa ika-5 Porum ng Kooperasyon ng Yunnan at Myanmar

2018-04-04 12:56:53 CRI

Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Martes, Abril 3, 2018, ipininid dito ang ika-5 Porum ng Kooperasyon ng Yunnan at Myanmar. Narating sa porum ang maraming komong palagay na gaya ng aktibong pagpapasulong sa paglagda ng "Kasunduan ng Tsina at Myanmar sa Transportasyon ng Sasakyang de Motor," pagpapasulong sa kooperasyon sa transportasyon sa Lancang-Mekong River at iba pa.

Sinariwa sa porum ng kapuwa panig ang kalagayan ng kanilang pagpapalagayan at natamong bunga sapul nang idaos ang nagdaang porum, at malalimang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa mga umiiral na problema at kahirapan sa kooperasyon, at pokus ng kooperasyon sa susunod na hakbang. Bago matapos ang porum, nilagdaan nina Zhang Guohua, Pangalawang Gobernador ng Lalawigang Yunnan, at Myint Thu, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Myanmar, ang buod ng porum.

Ayon sa nasabing buod, sinang-ayunan ng kapuwa panig na palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, konektibidad, agrikultura, industriya ng pag-aalaga ng mga hayop, edukasyon, kalusugan, kultura, pangangasiwa sa hanggahan at iba pa.

Biniyang-diin din ng buod na kasabay ng walang humpay na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa at pagsulong ng Belt and Road Initiative, papasok sa bagong antas ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng Yunnan at Myanmar. Tiniyak din ng kapuwa panig na idaraos sa Myanmar ang ika-6 na porum sa taong 2019.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino