Mga kabataang Pilipino, dumanas ng tuwa dahil sa table tennis

2018-04-08 12:48:35 CRI

Manila--Sabado ng umaga, Abril 7, 2018, binuksan dito ang Ika-15 Uni-Orient Cup Table Tennis Association for National Development (TATAND) Inter-Scholastic Table Tennis League. 1,232 manlalaro ng 308 grupo mula sa mga unibersidad, high school at primary school ang lumalahok sa nasabing 2-araw na paligsahan.

Si Liu Wei, dating world champion ng table tennis ng Tsina, kasama ang mga kabataang Pilipino

Ipinahayag ni Liu Wei, dating world champion ng table tennis at pangalawang propesor ng Peking University, na napakalaki ng tulong ng table tennis para sa paglaki ng kabataan. Umaasa aniya siyang ang paglalaro ng table tennis ng mga kabataang Pilipino ay hindi lamang makakapagprodyus ng kampeon, kundi makakalikha rin ng mabuting karanasan para sa paglaki ng mga kabataan.

Si Ramon Fernandez, Komisyoner ng Philippine Sports Commission

Nagpahayag naman ng pag-asa si Ramon Fernandez, Komisyoner ng Philippine Sports Commission, na mapapalawak ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa palakasan sa mas maraming larangan, at tutulungan ang Pilipinas na pataasin ang pangkalahatang kakayahang kompetetibo nito sa aspekto ng palakasan.

Si Stephen Techico, Tagapangulong Pandangal ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines

Ipinahayag naman ni Stephen Techico, Tagapangulong Pandangal ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines, na mahalaga ang katuturan ng pagpapalitang pampalakasan para sa pagpapabuti ng pagpapalagayang di-pampamahalaan. Patuloy aniya siyang kakatig sa tuluy-tuloy na pagdaraos ng ganitong pagpapalitan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino