Delegado ng Pilipinas sa 2018 BFA Media Leaders Summit for Asia, dumating na ng Sanya

2018-04-08 17:27:03 CRI

Mula kaliwa sa kanan: Sina Rudolph Steve Jularbal, Vice President ng Manila Broadcasting Company; Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Manila; at Edgar S. Reyes, Deputy Network General Manager ng PTV

Dumating ngayong araw Abril 8, 2018 sa Sanya, Hainan ng Tsina ang mga delegado ng Philippine media na dadalo sa Media Leaders Summit for Asia, na idaraos bukas, sa sideline ng 2018 Boao Forum for Asia (BFA).

Kinatawan sina Edgar S. Reyes, Deputy Network General Manager ng PTV; Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Manila; at Rudolph Steve Jularbal, Vice President ng Manila Broadcasting Company, sa nasabing summit na may temang "New Era of Asian Media Cooperation -- Interconnectivity and Innovation-driven Development."

Magkakasamang itinataguyod ng Boao Forum for Asia, China Media Group at China Public Diplomacy Association ang summit na ito.

Ang Media Leaders Summit for Asia ay dinadaluhan ng mga pangulo, direktor, chief editors, media executives at iba pang mga media professionals mula sa kilala at malalaking mga media organizations sa Asya.

Abril 9, idaraos sa umaga ang Media Leaders Summit for Asia at sa hapon ang grupo ay mahahati sa apat at magsasagawa ng kani-kanilang sub-forums. Si Ginoong Reyes ay inaasahang magbibigay ng kanyang talumpati hinggil sa paksang "Pagtatatag ng Belt and Road at ang mga Bagong Oportunidad para sa Komunikasyong Pandaigdig." Samantalang si Ginoong Allanigue naman ay magbibigay ng kanyang mga pananaw hinggil sa paksang "Makukulay na Sibilisasyon at Pagpapalitan sa Asya."

Bukod sa summit ang mga delegado ay dadalo rin sa Boao Forum for Asia Annual Conference, Abril 10, kung saan inaasahan ang pagtatalumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ng ilang mga lider tulad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.

Magkakaroon din nang pagkakataong makapanood ang mga delegado ng pagtatanghal na "Merry Rural Lives," na magpapakita ng kultura at pamumuhay ng mga Tsino. Bukod dito ay sasali rin ang media delegates sa mga study visits sa lunsod ng Sanya.

Ang Media Leaders Summit for Asia ay taunang pulong na hangad ay ilatag ang plataporma ng diyalogo sa pagitan ng mga media organizations sa Asya at pasulungin ang pagtutulungan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino