ASEAN, kinakatigan ang trade liberalization sa Tsina-Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN

2018-04-10 09:46:27 CRI

Jakarta, Indonesia-Idinaos Abril 9, 2018 ang Symposium hinggil sa Ika-15 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Estratehikong Partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa pagtitipon, ipinahayag ni Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na nakahanda ang ASEAN na magsikap, kasama ng Tsina para pangalagaan ang liberalisasyong pangkalakalan, pahigpitin ang economic partnership, at ibayong pasulungin ang kasaganaan ng rehiyong ito. Ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN na ang isinasagawang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN ay nagsisilbing huwaran sa kooperasyong panrehiyon sa Asya-Pasipiko. Aniya, bilang mahalagang puwersa, magkasamang nagsisikap ang Tsina at ASEAN para pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyon, at pasulungin ang economic globalization at trade liberalization ng daigdig.

Ipinahayag ni Tan Hung Seng, Kinatawan ng Singapore sa ASEAN na magkasamang nagsisikap ang Tsina at ASEAN para pahigpitin ang pagtutulungan sa larangan ng imprastruktura at kabuhayan, at pasulungin ang multilateral na sistemang pangkalakalan at liberalisasyong pangkalakalan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino