Pagpapalitang pangkabataan, magpapasulong ng hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina’t Cambodia

2018-04-16 16:32:24 CRI

Siem Reap, Cambodi--Ipinahayag Linggo, Abril 15, 2018 ni Hun Many, Presidente ng Union of Youth Federations of Cambodia (UYFC) na kapuwa ang Tsina at Cambodia ay may mahabang kasaysayan at katangi-tanging kultura, at ang pagpapasulong ng pag-uunawaan ng mga kabataan ng dalawang bansa ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng hene-henerasyong pagkakaibigang Sino-Kambodyano.    

Winika niya ito sa panahon ng Ika-6 na Angkor Sankranta, tradisyonal na pestibal bilang pagdiriwang sa bagong taon ng Cambodia, na nagbukas sa Siem Reap Abril 13. Ang UYFC ay tagapagtaguyod ng nasabing kapistahan.

Sa pestibal sa taong ito, inimbitahan ng UYFC ang mga kabataan mula sa Tsina, Singapore at ibang mga bansa para makisalamuha sa mga kabataan at mamamayang Kambodyano sa pagdiriwang.

Inilahad pa ni Hun na naitatag na ng UYFC at All-China Youth Federation ang mekanismo ng taunang pagdadalawan. Sa Oktubre, 2018, isang aktibidad ang isasagawa ng kanyang organisasyon sa Tsina para ipakilala ang kultura ng Cambodia, dagdag pa niya.

Pagpapalitang pangkabataan, magpapasulong ng hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina’t Cambodia

Pagpapalitang pangkabataan, magpapasulong ng hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina’t Cambodia

Pagpapalitang pangkabataan, magpapasulong ng hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina’t Cambodia

Pagpapalitang pangkabataan, magpapasulong ng hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina’t Cambodia

Salin: Jade
Pulido: Rhio
Photo Credit: China News Service

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino