ICBC Singapore Branch, naglunsad ng serbisyo ng investment banking

2018-04-18 12:18:07 CRI

Lunes, Abril 16, 2018, pagkaraang tanggapin ang accreditation bilang issue manager mula sa Singapore Exchange, ipinatalastas ng Sangay ng Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) sa Singapore ang pagtatayo ng departamento ng investment banking, para magkaloob ng mas komprehensibong serbisyo ng pagbabangko sa mga kliyente.

Ipinahayag ni Geng Hao, Deputy General Manager ng ICBC Singapore, na kasabay ng pagdalas ng pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Singapore, sa hinaharap, mas maraming bahay-kalakal na Tsino ang mangingilak ng pondo sa pamilihan ng kapital ng Singapore. Aniya, bilang siyang tanging offshore RMB yuan bank sa Singapore, patuloy na makikipagtulungan ang ICBC Singapore sa Singapore Exchange, at ipopromote ang pamilihan ng kapital ng Singapore sa mga bahay-kalakal na Tsino.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino