Ika-10 Festival Hue ng Biyetnam, binuksan

2018-04-28 14:51:07 CRI

Binuksan Biyernes ng gabi, Abril 27, 2018, ang Ika-10 Festival Hue ng Biyetnam. Dumalo rito ang 24 na delegasyong pansining mula sa 19 na bansa't rehiyong kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Thailand, Mexico, at iba pa. Nakuha ng mga inihandog na palabas ng delegasyong Tsino ang lubos na papuri ng mga manonood.

Tatagal ang kapistahang ito mula Abril 27 hanggang Mayo 2. Ang tema nito ay "Pamanang Kultural at Sama-samang Pag-unlad — Hue: Isang Destinasyong May Limang Pamana."

Ang Festival Hue ay pinakamalawakang internasyonal na kapistahang pansining sa Biyetnam na idinaraos kada dalawang taon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino