Ika-21 pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng "10 plus 3," idinaos

2018-05-05 16:32:52 CRI

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-4 ng Mayo 2018, sa Manila, ang ika-21 pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea o "10 plus 3."

Ayon sa magkakasanib na pahayag na inilabas sa pulong, ipinalalagay ng iba't ibang panig, na mainam ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, pero umiiral pa rin ang mga panganib, na gaya ng lumalalang proteksyonismong pangkalakalan, humihigpit na kalagayang pinansyal ng daigdig, at iba pa. Inulit ng iba't ibang panig ang pagkatig sa multilateral na sistema ng kalakalan at pamumuhunan, at pagtutol sa anumang porma ng proteksyonismo. Ipinahayag din nilang, dapat palalimin ang pagpapalagayan ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyong ito, at pasulungin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan at interkonektibidad.

Positibo rin ang iba't ibang panig sa takbo ng mga mekanismo ng kooperasyong pinansyal sa rehiyong ito, na gaya ng Chiang Mai Initiative Multilateralization, ASEAN 3 Macroeconomic Research Office, Asian Bond Markets Initiative, at Credit Guarantee and Investment Facility.

Sa pulong na ito, ipinahayag naman ni Yu Weiping, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina, na ang tuluy-tuloy at malusog na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay magbibigay ng positibong ambag para sa kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino