Pagdalaw ng Premyer Tsino sa Indonesya, magpapasulong sa bilateral na relasyon--opisyal na Indones

2018-05-05 16:35:08 CRI

Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Indonesya, sinabi kahapon, Biyernes, ika-4 ng Mayo 2018, ni Luhut Binsar Panjaitan, Coordinating Minister of Maritime Affairs ng Indonesya, na sa taong ito na ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Indonesya at Tsina, mahalaga ang naturang pagdalaw para sa ibayo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Isiniwalat din ni Pandjaitan, na sa panahon ng pagdalaw na ito, lalagdaan ng Indonesya at Tsina ang ilang kasunduang pangkooperasyon sa mga aspekto ng pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran, E-commerce, agrikultura, at iba pa. Ito aniya ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan, at teknolohiya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino