Tourism revenue ng Pilipinas mula Enero hanggang Pebrero, lumaki ng 96%

2018-05-09 12:38:58 CRI

Ayon sa estadistikang inilabas Martes, Mayo 8, 2018 ng Departamento ng Turismo ng Pilipinas (DoT), mula Enero hanggang Pebrero ng taong ito, umabot sa 78.82 bilyong Piso ang inbound tourism revenue ng bansa, na lumaki ng 96% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, mahigit 256,000 turistang Tsino ang bumisita sa Pilipinas, at 16.35 bilyong Piso ang ginastos nila sa Pilipinas.

Nanguna ang bilang ng mga turista ng Timog Korea na mahigit 350,000, at kanilang gastos sa Pilipinas na 21.98 bilyong Piso. Kasunod nito'y Tsina, at pangatlo ang Amerika.

Sa taong 2018, target ng Pilipinas na maakit ang mahigit 7.5 milyong person-time na inbound tourist, na kinabibilangan ng 1.5 milyong turistang Tsino.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino