20 mobile clinic, handog ng Tsina sa Kambodya

2018-05-11 16:59:56 CRI

Phnom Penh, May 10, 2018--Pormal na ibinigay ang 20 mobile clinic bilang tulong ng Tsina sa Kambodya. Ipinadala ang symbolic key ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya kay Mam Bunhe, Ministro ng Kalusugan ng Kambodya.

Pinasalamatan ni Mam Bunhe ang tulong ng Tsina. Aniya, ang mga mobile clinic ay magdudulot ng mabisa at ligtas na medikal na serbisyong may mataas na kalidad, at ito ay makakabuti sa pagpapataas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Kambodya.

Ani Xiong, ang mga mobile cilinic ay regalo ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina para sa mga mamamayan ng Kambodya, bilang pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

May 40 mobile clinic bus sa kabuuan ang kaisilang proyektong ito, darating ang iba pa sa Oktubre ng taong ito. Ibabahagi ang mga ito sa lahat ng 25 lalawigan at lunsod, at ipagkakaloob ng mga dalubhasang Tsino ang libreng medikal na serbisyo sa mga mamamayan ng Kambodya.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino