Kooperasyon sa inobasyon, magiging bagong tampok ng kooperasyong Sino-ASEAN

2018-05-11 16:26:32 CRI

Dumalo kamakalawa, Miyerkules, ika-9 ng Mayo 2018, sa Jakarta, Indonesya, si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa seremonya ng pagtatatag ng Center for ASEAN Creativepreneurship Studies sa London School of Public Relations. Inilahad niya ang palagay ng panig Tsino hinggil sa kooperasyong Sino-ASEAN sa inobasyon.

Tinukoy ni Huang, na ang taong ito ay taon ng inobasyon ng Tsina at ASEAN, at ang inobasyon ay bahagi rin ng tema ng ASEAN sa taong ito. Aniya, ang kooperasyon sa inobasyon ay puwedeng maging bagong tampok ng kooperasyong Sino-ASEAN.

Dagdag ni Huang, nitong ilang taong nakalipas, natamo ng Tsina ang mga karanasan sa digital economy, at pagpapaunlad ng paggamit ng Internet. Nakahanda aniya ang Tsina na ibahagi sa mga bansang ASEAN ang mga karanasang ito, at palakasin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa digital economy, E-commerce, sharing economy, at iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino