Programa ng pangangalaga sa mata, inilunsad ng Tsina sa Laos; 3,700 estudyanteng Lao, makikinabang

2018-05-11 17:21:31 CRI

Vientiane, Laos—Inilunsad Huwebes, Mayo 10, 2018 ng Tsina ang Lancang-Mekong Bright Journey sa Laos. Layon ng programa na itaas ang kamalayan at kaalaman hinggil sa siyentipikong pangangalaga sa mata ng mga estudyanteng Lao.

Sa ilalim ng nasabing programa, mga 3,700 estudyante mula sa tatlong elementarya at mataas na paaralan sa Vientiane at Lalawigang Savannakhet ang bibigyan ng pagsusuri sa paningin, at ang grupong medikal ng Tsina ay magbibigay ng payo at libreng salamin sa mga estudyante kung kakailanganin.

Ang naturang programa ay isinasagawa sa ilalim ng mekanismo ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na itinatag noong 2016 sa Unang Pulong ng mga Lider ng LMC. Sa unang yugto ng Mekong Bright Journey, 800 pasyenteng may katarata mula sa Cambodia, Laos, at Myanmar ang nabigyan ng libreng operasyon ng mga doktor Tsino, at napanumbalik ang normal na paningin.

Ang mga manggagamot na Tsino habang nagsasagawa ng eye check-up para sa mga estudyanteng Lao

Group photo ng mga kinatawang estudyante at panauhing Tsino't Lao

Si Viengsuvan Phaxaysombath, Prinsipal ng Vientiane Middle School, isa sa nasabing kinapipinabangang paaralan habang kinakapanaym ng mga mamamahayag ng CRI

Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CRI Laos Service

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino