ESCAP, positibo sa Belt and Road Initiative

2018-05-15 09:27:10 CRI

Binuksan Mayo 14, 2018 sa Bangkok, Thailand ang Ika-74 na taunang pulong ng UN Economic and Social Commission for Asia and Pacific(ESCAP).

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, pinahalagahan ni Shamshad Akhtar, Pangkahalatang Kalihim ng ESCAP ang Belt and Road Initiative na itinataguyod ng Tsina. Umaasa aniya siyang gaganap ng namumunong papel ang mga bansa ng Asya-Pasipiko sa pangangalaga at pagpapasulong ng pangangasiwa ng mundo at multilateral na sistema ng daigdig.

Aniya, ang Belt and Road Initiative ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng integrasyon at sustenableng pag-unlad ng Asya-Pasipiko, at pagpapahigpit ng konektibidad ng rehiyon. Pinahahalagahan aniya niya ang natamong tagumpay at potensya ng Tsina sa larangan ng inobasyon.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino