Filipino-Chinese youth, natutunan ang kulturang Tsino sa paglalakbay sa Yantai

2018-05-17 15:20:09 CRI

Mahigit 100 Filipino-Chinese youth at kanilang guro ang lumahok sa 14-araw na spring camp at pumunta sila sa Yantai ng Lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina. Sa spring camp, nag-aral sila ng mga cultural courses ng Tsina na gaya ng Chinese characters, martial arts, Chinese painting, seal cutting, Taiji fans, paper cutting at iba pa.

 

Sinabi ni Wang Laifa, guro ng naturang camp na natutunan ng mga estudyante ang kulturang Tsino sa pamamagitan ng pag-aaral at paglalaro sa iba't ibang lugar ng Tsina. Umaasa aniya siyang magbibigay ambag ang mga kabataaan para sa pagpapalitan ng Pilipinas at Tsina sa kabuhayan, kalakalan, at kultura.

Ang nasabing aktibidad ng itinaguyod ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Overseas Chinese. Ang lunsod ng Yantai ay tahanan ng halos 600 libong overseas at ethnic Chinese sa ibayo dagat, Hong Kong at Macao.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino