Indonesia, aangkatin ang 500,000 toneladang bigas mula sa Biyetnam at Thailand

2018-05-18 12:56:00 CRI

Ayon sa ulat ng pahayagang "International Daily News" ng Indonesia Miyerkules, Mayo 16, 2018, ipinasiya na ng pulong ng Coordinating Ministry for Economic Affairs ng Indonesia na angkatin ang 500,000 toneladang bigas mula sa Biyetnam at Thailand. Nilagdaan na ng Bulog, kompanya ng reserba ng pagkaing-butil ng Indonesia ang kontrata ng pagbili ng 300,000 toneladang bigas mula sa Biyetnam at 200,000 toneladang bigas mula sa Thailand. Ito ang ika-3 beses na pagbili ng Indonesia ng bigas mula sa Biyetnam, simula ng taong 2018.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino