Charter flights sa pagitan ng Manila at Haikou, bubuksan ng PAL Express

2018-05-25 11:18:28 CRI

Bubuksan sa Ika-29 ng Mayo, 2018, ang charter flights sa pagitan ng Manila at Haikou, Punong Lunsod ng Lalawigang Hainan, Tsina. Ito ay unang charter flight sa pagitan ng Pilipinas at Hainan pagkaraang ipatupad ng Hainan ang patakaran ng Visa-free para sa 59 na bansa mula May 1, 2018. Ang serbisyong ito ay magkakasamang inaalok ng Uni-Orient Travel ng Pilipinas, Hainan Kangtai International Travel Service at PAL Express.

Gagamitin ang Airbus A320-200 na eroplano ng PAL Express para sa flight na ito. Ayon sa inisiyal na plano, may flight tuwing Martes at Sabado.

Salin: Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino