Seminar ng Big Data Policing ng Tsina, ASEAN at mga Kapitbansa, idinaos sa Guiyang

2018-05-25 12:23:48 CRI

Idinaos Mayo 24, 2018, sa Guiyang, Punong Lunsod ng Lalawigang Guizhou sa timog kanluran ng Tsina ang Seminar ng Paggamit ng Big Data sa Policing ng Tsina, ASEAN at mga Kapitbansa.

Dumadalo ang 22 na opisyal mula sa mga may kinalamang departamento ng Pilipinas, Bangladesh, Laos, Indonesia, Biyetnam, Kambodya, Thailand, Malaysia, Nepal, Mongolia, Maldives.

Isasagawa nila ang pag-aaral, pagpapalitan at paglalakbay sa 10-araw na seminar.

Ipinahayag ni Guo Ruimin, Pangalawang Governor at Public Security Director ng Lalawigang Guizhou ang pag-asang ibayo pang pasusulungin ang kooperasyon ng Tsina at mga kapitbansa ng kinabibilangan ng ASEAN sa mga suliranin ng pulisya, itatayo ang bagong pandaigdigang mekanismo ng pagpapatupad ng batas at makabagong modelo ng pulisya sa big data background, at nang sa gayo'y, palakasin ang kakayahang panseguridad sa lipunan ng mga pulis ng iba't ibang bansa.

Ito ay itinaguyod ng Ministry of Public Security ng Tsina.

salin: Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino