Bidding ng ika-2 high-speed railway ng Thailand, sinimulan

2018-05-29 16:17:10 CRI

Idinaos kamakailan ng pamahalaan ng Thailand ang news briefing na nagpatalastas na pormal na sisimulan sa ika-30 ng Mayo, 2018 ang bidding ng ika-2 high-speed railway ng Thailand. Ayon sa pamahalaan ng Thailand, malalaman ang winning bidder sa loob ng taong ito.

Napag-aalamang may 220 kilometro ang kabuuang haba ng nasabing high-speed railway, at ayon sa plano, ang bilis ay aabot sa 250 km/h. Sisimulan ang daambakal sa Bangkok, daraan sa dalawang paliparan ng Bangkok, Thailand, at tutungo sa Pattaya. Ayon sa plano, aabot ang daambakal sa Chanthaburi at Trat malapit sa hanggahan ng Thailand at Kambodya.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino