PM ng Malaysia: ititigil ang paghahanap ng nawawalang flight MH370

2018-05-31 13:29:37 CRI

Miyerkules, Mayo 30, 2018, ipinahayag ni Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia na ititigil ang paghahanap sa nawawalang flight MH370, pero kung lilitaw aniya ang bagong impormasyon, isasaalang-alang ang muling pagsisimula ng paghahanap.

Winika ito ni Mahathir pagkatapos ng pulong ng gabinete nang araw ring iyon. Aniya, noong nagdaang ilang buwan, walang natuklasang bunga ang paghahanap, at imposibleng ipagpatuloy ito nang walang hanggan.

Martes, Mayo 29, pormal na itinigil ng Ocean Infinity, kompanya ng seabed exploration, ang paghahanap sa ilalim ng dagat. Ayon sa pahayag ng nasabing kompanya, natapos nito na ang paghahanap at pangongolekta ng imahe sa 112,000 kilometro kuwadradong seabed.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino