Electric bus ng Tsina, pumasok na sa pamilihang Pilipino

2018-05-31 14:31:40 CRI

Manila--Inihatid Miyerkules, Mayo 30, 2019 ng BYD Auto Industry Company Limited ng Tsina ang dalawang electric bus na "K9"sa Columbian Motors Corp (CMC) ng Pilipinas. Ito ang unang pangkat sa 10 electric bus na binili ng CMC mula sa BYD.

Lauching Ceremony ng Multi-Layered Electrified Transportation Solution 

Ipinahayag ni Arsenio G. Yap, Presidente ng CMC, na matatanggap ng CMC ang lahat ng 10 electric bus, hanggang sa darating na Hunyo, at gagamitin ang mga ito sa pampublikong transportasyon sa Metro Manila upang mabawasan ang emisyon na ibinubuga ng mga sasakyan.

Si Liu Xueliang, General Manager ng Asia-Pacific Auto Sales Division ng BYD

Ipinahayag ni Liu Xueliang, General Manager ng Asia-Pacific Auto Sales Division ng BYD, na moderno ang teknolohiya ng nasabing mga electric bus at walang anumang emisyon ang mga ito habang tatakbo sa kalye.

 Unang pangkat sa 10 electric bus na binili ng CMC mula sa BYD

Sinabi pa ni Liu na tinatalakay ng BYD, kasama ng mga partner sa Pilipinas, ang hinggil sa pagpoprodyus ng electric Jeepney para pumalit sa kasalukuyang matatanda at tumatakbong Jeepney sa Manila. Ito aniya ay upang mapawi ang polusyon sa lunsod.

Kaugnay nito, sinabi ni Guillermo L. Francisco II, isang opisyal mula sa Department of Transportation ng Pilipinas, na matatanda ang kasalukuyang mga tumatakbong Jeepnay at madaling magbuga ng sobrang daming usok ang mga ito, kaya isinasaalang-alang ng Pamahalaang Sentral na gamitin ang mga sasakyan ng bagong enerhiya, na gaya ng electric bus, para pumalit sa mga Jeepney.

Seremonya ng paglagda ng MoU ng BYD at pamahalaan ng Bataan

Bukod sa Manila, ang mga electric bus ng BYD ay papasok din sa Bataan. Ayon sa Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan nang araw ring iyon ng BYD at pamahalaan ng Bataan, bago katapusan ng taong ito, ipagkakaloob ng BYD ang 10 electric bus sa probinsya.

Si Governor Albert S. Garcia ng Bataan

Sinabi ni Governor Albert S. Garcia ng Bataan na maganda ang teknolohiya at disenyo ng mga electric bus ng BYD, kaya gagamitin ng Bataan ang nasabing 10 bus para sa transportasyong pampubliko sa pagitan ng mga lunsod ng Bataan at sa pagitan ng Bataan at ibang mga probinsya ng bansa.

Samantala, magkakasamang itatayo ng dalawang panig ang isang Monorail Transit System sa Bataan. Sinabi rin ni Garcia na nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng Bataan, kaya lumalaki ang presyur sa trapiko sa mga lunsod ng Bataan, kaya ang Monorail Transit System ng BYD ay makakatugon sa pangangailangan ng transportasyon sa naturang mga lunsod.

Ayon pa sa nasabing MOU, ang haba ng unang yugto ng Monorail Transit System ay aabot sa 7 kilometro. Nauna rito, nilagdaan noong 2017 ng BYD at Iloilo City ang katulad na MOU para itayo ang unang Monorail Transit System sa lunsod na ito.

Ulat / Larawan: Ernest

Pulido: Rhio

Web Editor: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino