Tsina, palalalimin ang kooperasyon ng ASEAN plus China, at ASEAN plus Three

2018-06-02 15:57:01 CRI

Kaugnay ng pulong ng mga mataas na opisyal hinggil sa kooperasyon ng Silangang Asya, na idaraos sa susunod na linggo sa Singapore, sinabi kahapon, Biyernes, Hunyo 1 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na masigla ngayon ang kooperasyon ng Silangang Asya, at gumaganap ng mahalagang papel para rito ang mekanismo ng rehiyonal na kooperasyon, na ang nukleo ay Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sinabi ni Hua, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang papel ng ASEAN, at relasyong Sino-ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina, na samantalahin ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, para patuloy na palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig sa tatlong pangunahing aspekto, na seguridad na pampulitika, kabuhayan, at lipuna't pagpapalitan ng mga mamamayan. Ito aniya ay magbibigay ng bagong ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito.

Dagdag pa ni Hua, ang mekanismo ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o ASEAN plus Three ay pangunahing tsanel ng kooperasyon ng Silangang Asya. Aktibong lumalahok aniya ang Tsina sa kooperasyon ng ASEAN plus Three, at nakahanda itong ibayo pang makipagtulungan sa iba't ibang panig, para marating sa lalong madaling panahon ang kasunduan sa Regional Comprehensive Economic Partnership, at pasulungin ang pagtatatag ng East Asia Economic Community.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino