Pagluluwas ng bigas ng Myanmar sa EU, lumaki ng 150% -175%

2018-06-06 18:23:59 CRI

Ipinahayag kamakailan ng Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Samahan ng Bigas ng Myanmar na salamat sa Generalized System of Preferences (GSP) ng Unyong Europeo (EU) at murang presyo ng bigas ng Myanmar, umabot sa 358,000 tonelada ang bolyum ng pagluluwas ng bigas ng Myanmar sa EU sa kasalukuyang fiscal year, at ito ay lumaki ng 150% -175%. Noong nakaraan, halos 200,000 tonelada ang datos na ito.

Ayon sa ulat, mula fiscal year 2017 hanggang 2018, ang bigas ng Myanmar ay iniluwas sa halos 60 bansa. 358,000 tonelada ang kabuuang bolyum ng pagluluwas nito, na nagkakahalaga ng 1.137 bilyong dolyares.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino