Ika-4 na Huawei Asia-Pacific Innovation Day, ginanap sa Bangkok

2018-06-07 15:37:03 CRI

Bangkok, Thailand—Miyerkules, Hunyo 6, 2018, ginanap ang ika-4 na Huawei Asia-Pacific Innovation Day. Ang kasalukuyang innovation day na may temang "Innovate for a Digital Asia-Pacific" ay magkasamang itinaguyod ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Thailand at Huawei Technologies Co. Ltd. Dumalo at nagtalumpati sa aktibidad si Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand.

Si Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand

Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Somkid na ang pagpapaunlad ng digital economy ay makakatulong sa pagbabago at pagpapataas ng kabuhayan ng Thailand. Patuloy aniyang lilikhain ng pamahalaang Thai ang mabuting kondisyon para sa digital innovation.

Seremonya ng paglagda ng MoU

Sa naturang aktibidad, magkakasamang nilagdaan ng National Science and Technology Development at National Innovation Agency ng Thailand, at Huawei Technologies ang memorandum of understanding hinggil sa pagpapalakas ng estratehikong kooperasyon sa inobatibong pananaliksik tungo sa pandaigdigang pamilihan.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino