Indonesya nasa unang puwesto ng Index ng Pag-unlad ng Imprastruktura ng mga Bansa sa Belt and Road Initiative

2018-06-08 12:05:36 CRI

Idinaos Hunyo 7, 2018 sa Macao ang Ika-9 na International Infrastructure Investment and Construction Forum. Sa porum na ito, inilabas ng China International Contractors Association (CICA) ang "Index ng Pag-unlad ng Imprastruktura ng mga Bansa sa Belt and Road Initiative" sa taong 2018, at ang Indonesya, Singapore, Pakistan, Rusya at Biyetnam ay nasa unang 5 puwesto.

Ipinahayag ni Fang Qiuchen, Tagapangulo ng CICA na isinapubliko ang nasabing index noong taong nakalipas sa kauna-unahang pagkakataon, at ngayon ito ay nagiging "barometer" o panukat ng kooperasyon ng imprastruktura ng Belt and Road Initiative. Ang pagsusuri ng index ay batay sa kapaligiran, potensiyal at tunguhin ng pag-unlad ng imprastruktura.

Salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino