Espesyal na daambakal, bubuksan ng Thailand para sa mga turistang Tsino at Hapones

2018-06-08 12:05:50 CRI

Napag-alaman Hunyo 7, 2018 mula sa Kawanihan ng Daambakal ng Thailand, na sisimulan ang dalawa pang linya ng daambakal sa Hulyo para matugunan ang pangangailangan ng mga grupong panturista mula sa Tsina at Hapon. Ang nasabing mga linya ay sa pagitan ng Bangkok at Chiangmai, at Bangkok at Surat Thani.

Ang Tsina at Hapon ay mga pangunahing bansang pinagmumulan ng mga turista sa Thailand, at ang Tsina ay pinakamalaki. Noong isang taon, mahigit 9.8 milyong persontime ang bilang ng mga turistang Tsino na pumunta sa Thailand, at ito ay bumuo ng halos 30% ng lahat ng mga dayuhang turista.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino