Paggamit ng Beidou Navigation System sa mga bansang ASEAN, ipo-promote ng Guangxi

2018-06-12 15:14:16 CRI

Nilagdaan kahapon, Lunes, ika-11 ng Hunyo 2018, sa Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina, ang kasunduan hinggil sa pagtatayo ng China-ASEAN Beidou Navigation System Industrial Park sa lunsod na ito.

Ayon kay Tang Ning, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Guangxi, ang layon ng industrial park na ito ay i-promote ang paggamit ng Beidou Navigation System sa mga bansang ASEAN, at pasulungin ang kooperasyong Sino-ASEAN sa aspektong ito.

Ang Beidou system ay isang Global Navigation Satellite System na sarilinang idinedebelop at niyayari ng Tsina. Sa kasalukuyan, nagkakaroon ang Tsina at ilang bansang ASEAN, na gaya ng Thailand, Kambodya, Malaysia, at Laos, ng proyektong pangkooperasyon sa paggamit ng sistemang ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino