Tsina at ASEAN, nakahandang itatag ang mas mahigpit na Community with a Shared Future

2018-06-13 12:40:55 CRI

Nagtagpo noong ika-12 ng Hunyo, 2018, dito sa Beijing sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ipinahayag ni Wang na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, sinang-ayunan ng dalawang panig na magkasamang itatag ang mas mahigpit na Community with a Shared Future, batay sa pundasyon ng natamong bunga nitong 15 taong nakalipas. Para rito, ang dalawang panig ay mag katulong na itatakda ang "China-ASEAN Strategic Partnership Vision 2030;" idaraos nang mabuti ang "2018 Taon ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN; at pahihigpitin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative at Master Plan for ASEAN Connectivity 2025.

Sinabi ni Lim na nakahandang gumanap ang ASEAN Secretariat ng positibong papel para palalimin ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, kultura at iba pa.

Nagpalitan din sila ng mga palagay hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS). Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na nagiging matatag ang tunguhin ng isyung ito sa ilalim ng pagsisikap ng Tsina at ASEAN. Binigyan-diin ni Wang na kung hindi makikialam ang ibang panig sa labas ng rehiyon, mananatiling matatag ang kalagayan ng SCS, at maalwang pasusulungin ang pagsasanggunian ng Code of Conduct for the South China Sea.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino