Pagtutulungang panturismo ng Biyetnam at Zhangjiajie ng Tsina, hihigpit

2018-06-21 10:51:08 CRI

Hanoi, Biyetnam-Kinatagpo Hunyo 20, 2018 ni Nguyen Thi Thanh Huong, Pangalawang Direktor ng Kawanihang Panturista ng Biyetnam ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Liu Shaojian, Pangalawang Kalihim ng Komiteng Panlunsod ng Zhangjiajie ng Partido Komunista ng Tsina.

Ipinahayag ni Liu na bilang kilalang kalunsurang panturista ng Tsina, pinahahalagahan ng pamahalaan ng Zhangjiajie ang pamilihang panturista ng Biyetnam. Umaasa aniya siyang hihigpit ang mapagkaibigang pagpapalitan para mapalawak ang kooperasyong panturismo ng dalawang panig.

Ipinahayag naman ni Nguyen Thi Thanh Huong na 3 milyong turistang Biyetnames ang pumupunta sa ibat-ibang lugar sa Tsina, kada taon na kinabibilangan ng Zhangjiajie. Umaasa aniya siyang hihigpit ang pagtutulungang panturismo ng dalawang panig, lalo na sa paglalatag ng rutang panturismo, at pagpapataas ng kalidad na panturismo.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino