Pagtutulungan ng Tsina at Thailand, nakikinabang sa Belt and Road Initiative

2018-06-25 13:54:28 CRI

Idinaos sa Beijing ang kauna-unahang Think Tank Forum ng Tsina at Thailand, mula ika-22 hanggang ika-23 ng buwang ito.

Tinalakay ng mga kalahok na dalubhasa ang hinggil sa pagpapahigpit ng pagtutulungan ng Tsina at Thailand sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative.

Ipinalalagay nilang ito ay makakatulong sa ibayong pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng pulitika, kabuhayan, kalakalan, kultura at iba pa.

Ayon sa ulat, bilang mahalagang bahagi ng nasabing inisyatiba, humihigpit ang pagtutulungang pangkabuhayan ng Tsina at Thailand. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing isa sa mga pangunahing trade partner at pinanggagalingang pampamumuhunan sa Thailand.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino