Tsina at 10 bansang ASEAN, idaraos ang magkakasanib na pagsasanay-militar sa dagat sa loob ng 2018

2018-06-29 12:35:50 CRI

Ipinahayag Huwebes, Hunyo 28, 2018, ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa loob ng kasalukuyang taon, idaraos ng Tsina at 10 kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang magkakasanib na pagsasanay-militar sa dagat.

Ani Wu, layon ng naturang pagsasanay na pahigpitin ang pagtitiwalaan, palawakin ang pagpapalita't pagtutulungan, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng iba't ibang panig ang pag-uuganayan tungkol sa mga konkretong petsa, at ilalabas ang mga may kinalamang impormasyon sa angkop na panahon, dagdag pa niya.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino