AIIB, positibong kumakatig sa “Belt and Road” Initiative

2018-07-02 15:19:49

Sinabi dito sa Beijing Lunes, Hulyo 2, 2018, ni Jin Liqun, Puno ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), na aktibong kinakatigan ng AIIB ang inisyatibo ng "Belt and Road." Aniya, nitong dalawa at kalahating taong nakalipas sapul nang isaoperasyon ang AIIB, mahigit 5.3 biylong dolyares na ang aprobadong pondo para sa mga proyekto. Isiniwalat din niya na sa kasalukuyan, ang lahat ng proyektong pinopondohan ng AIIB ay pawang nasa mga bansa't rehiyon sa kahabaan ng "Belt and Road."

Winika ito ni Jin sa kanyang pagdalo sa isang Pandaigdigang Porum hinggil sa Kooperasyon ng Pangangaiswa Alinsunod sa Batas sa "Belt and Road" na magkasamang itinaguyod ng Ministring Panlabas ng Tsina at China Law Society.

Sa kanyang talumpati, sinabi niya na sa kasalukuyan ang "Belt and Road" Initiative ay nagsisilbing isang aktuwal na plataporma para sa kooperasyong pandaigdig, at natamo na ang mga kapansin-pansing bunga. Ang pagdaraos ng nasabing porum ay nakakatulong sa pagkakaroon ng iba't-ibang panig ng mas komprehensibo at tumpak na pagkaunawa sa nasabing inisyatibo, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino