Walang destabilization plot laban sa pamahalaan

2018-07-02 17:02:10

 

IBINALITA ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na wala silang nababalitang may pagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.  Kahit umano si Imus Bishop Rey Evangelista ay tumangging mayroong papel ang Simabahang Katolika sa pagkilos.


Hindi umano nila pinag-usapan ang issue kahapon sa kanyang pulong sa Catholic Bishops Conference of the Philippines na una nang ibinalita kahapon ng hapon.


Pumutok ang balita sa pahayag ni G. Pastor “Boy” Saycon na mayroong nagtatangkang manggulo.  Ani G. Saycon, ang mga pahayag umano ni Pangulong Duterte laban sa Simbahan ang maaaring may kinalaman sa pagkilos na magpapatalsik sa pamahalaan.


Sa isa pang panayam, tumanggi si G. Saycon na Simbahan nga ang nasa likod ng pagtatangka laban sa pamahalaan.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino