Suspect sa pagpatay kay Fr. Nilo, pinalaya

2018-07-02 17:05:36

 

SINABI ni PNP spokesman Sr. Supt. Benigno Durana na pinalaya na ang suspect sa pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo.


Pinalaya si Adell Roll Milan ganap na ika-11 ng umaga matapos mag-utos si Judge Angelo Perez ng Regional Trial Court Branch 27 sa Cabanatuan City na iurong na ang kasong criminal laban sa unang inakusahan.


Tumanggi si G. Durana na magsabi kung ano na ang kinahinatnan ng usapin sapagkat tuloy pa rin ang imbestigasyon. 


Sa likod ng pangyayaring ito, naniniwala pa rin si PNP Director General Oscar Albayalde na malulutas nila ang usapin.


Naunang sinabi ni Atty. Larry Gadon na iniurong ng taga-usig ang usapin sapagkat lumabas na napagkamalan lamang ang suspect.


Binaril at napatay si Fr. Richmond Nilo mga ika-anim ng gabi noong Linggo, ika-sampu ng Hunyo samantalang naghahandang magdiwang ng Misa sa isang barangay sa Zaragoza, Nueva Ecija.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino