Mga lider na Tsino: buong sikap na tulungan ang mga turistang Tsino na apektado ng aksidente sa Thailand

2018-07-07 16:23:21 CRI

Tumaob kamakalawa, Huwebes, ika-5 ng Hulyo 2018, sa karagatan ng Phuket, Thailand, ang dalawang bapor na panturista, dahil sa masamang lagay ng panahon. Sa 127 turistang Tsino sa mga bapor, 16 ang nasawi, 33 ang nawawala, at 78 naman ang nailigtas.

Pagkaraang maganap ang aksidente, agarang inutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may kinalamang departamentong Tsino, na makipagtulungan sa panig Thai sa paghahanap ng mga nawawala at pagbibigay-lunas sa mga nasugatan. Hiniling din nila sa mga may kinalamang departamento, na bigyan ng sapat na impormasyon ang mga turistang Tsino hinggil sa lagay ng panahon sa mga lugar nilang pupuntahan, at tulungan ang mga turista sa pagsasagawa ng mga hakbangin ng pag-iingat.

Sa kasalukuyan, dumating na sa Phuket ang mga opisyal ng embahadang Tsino sa Thailand at isang working group ng pamahalaang Tsino, para bumisita sa mga apektadong turistang Tsino, at magbigay-tulong sa panig Thai sa mga relief work.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino