Imbestigasyon sa paglubog ng mga bapor sa Phuket, sinimulan

2018-07-09 12:48:53 CRI

Ipinahayag Hulyo 8, 2018, ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand na sinimulan na ng panig ng pulisya at may kinalamang departamento ng Thailand ay imbestigasyon sa insidente ng paglubog ng mga bapor sa Phuket. Lalahok din aniya ang panig Tsino sa pagsusuri.

Idinaos ang kauna-unahang magkasanib na news briefing ng Thailand at Tsina sa Sentro ng Relief Work sa Phuket, Thailand.

Ipinahayag ni Weerasak Kowsurat, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand na ngayon ay nasa "72 hours golden time" pa rin, at puspusang hinahanap ng pamahalaan ng Thailand ang mga nawawala at sinisiyasat ang dahilan ng insidente. Aniya, nagkakaloob ng mga tulong ang Tsina sa relief work.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino