42 turistang Tsino, kumpirmadong nasawi sa aksidente ng paglubog ng mga bapor panturista sa Thailand

2018-07-09 16:33:27 CRI

Ayon sa ulat ng panig opisyal ng Lalawigang Phuket, Thailand, hanggang ngayong araw, Lunes, ika-9 ng Hulyo 2018, 42 turistang Tsino ang kumpirmadong nasawi sa aksidente ng pagtaob at paglubog ng dalawang bapor panturista sa karagatan ng lalawigang ito, samantalang 5 ang nawawala pa rin.

Ayon pa sa ulat, narekober na ang mga bangkay ng 41 nasawi, at ang nalalabing isang bangkay ay naiipit pa sa isang lumubog na bapor na tinatawag na "Phoenix."

Sinabi naman ng hukbong pandagat ng Thailand, na sisimulan nila ang pagsagip ng bapor na "Phoenix," at maayos na ang paghahanda para rito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino