Lahat ng mga miyembro ng Thai soccer team na nakulong sa kuweba, nailigtas

2018-07-11 11:42:21 CRI

Martes, Hulyo 10, 2018, matagumpay na nailigtas ang huling pangkat ng 4 na kabataang manlalaro ng putbol at isang coach na nakulong sa isang kuweba ng Chiang Rai. Hanggang ngayon, nailigtas na ang lahat ng 13 miyembro ng nasabing soccer team na nakulong sa kuweba noong ika-23 ng Hunyo.

Ayon sa opisyal ng rescue team ng Thailand, 19 na pinakamagaling na dalubhasa ng pagsisid sa kuweba sa daigdig at mga miyembro ng rescue team ng hukbong pandagat ng Thailand ang sumali sa pagliligtas nang araw ring iyon. Bukod dito, mahigit 100 tauhang panaklolo mula sa Tsina, Estados Unidos, Australia at iba pang bansa ang tumulong sa paghahatid ng mga materyal na panaklolo.

Tumagal ng 3 araw ang buong proseso ng pagliligtas sa lahat ng mga nakulong na tauhan. Ayon sa dalubhasang Tsino na kasangkot sa pagliligtas, ang nasabing pagliligtas ay isa sa mga pinakamahirap at pinakamapanganib na misyon sa daigdig.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino