45 katao, kumpirmadong patay sa paglubog ng mga bapor panturista sa Phuket

2018-07-11 11:48:27 CRI

Ipinahayag Martes, Hulyo 10, 2018 ni Norraphat Plodthong, Gobernador ng Lalawigang Phuket ng Thailand, na sa tulong ng mga mangingisda sa lokalidad, 3 bangkay ang bagong natuklasan, at sila ay nakumpirmang mga nasawi sa aksidente ng paglubog ng mga bapor panturista. Hanggang sa kasalukuyan, 45 katao ang kumpirmadong nasawi sa aksidenteng ito, samantalang 2 ang nawawala pa rin.

Ayon kay Norraphat, batay sa lokasyon at katangian ng mga bagong natuklasang bangkay, inisyal na nakumpirmang sila ay biktima ng mga lumubog na bapor, pero kailangang hintayin ang pinal na pagkilala ng mga kamag-anak.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino