Ika-3 21st Century Panglong Conference, binuksan

2018-07-12 10:39:34

Naypyitaw - Binuksan nitong Miyerkules, Hulyo 11, 2018, ang anim (6) na araw na Ika-3 21st Century Panglong Conference na dinaluhan ng mahigit isanlibong kinatawan mula sa iba't-ibang panig. Nanawagan si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, sa iba't-ibang panig na magkakasamang magsikap para maisakatuparan ang kompromiso at kapayapaan ng nasyon.

May limang tema ang nasabing pulong na kinabibilangan ng pulitika, seguridad, lipunan, kabuhayan, at pangangasiwa sa likas na yaman.

Bago ang nasabing pulong, ipinahayag ni Sun Guoxiang, kalahok na espesyal na sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga suliraning Asyano, na sa hinaharap, magsisikap ang Tsina hangga't makakaya, upang katigan at tulungan ang Myanmar sa pagsasakatuparan ng kapayapaan sa pinakamadaling panahon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino