Bangkay ng huling nawalang pasahero sa lumubog na bapor panturista sa Phuket, natuklasan

2018-07-12 11:56:00 CRI

Miyerkules ng hapon, Hulyo 11, 2018, ipinahayag ni Norraphat Plodthong, Gobernador ng Lalawigang Phuket ng Thailand, na isa pang bangkay ang natuklasan ng mga tauhang panaklolo ng Thailand at Tsina, at inisyal na nakumpirmang siya ay biktima ng lumubog na bapor na "Phoenix." Hanggang ngayon, natuklasan na ang lahat ng 47 nasawi sa aksidente ng paglubog ng mga bapor panturista sa Phuket.

Ayon kay Norraphat, kabilang sa 89 pasahero sa bapor na "Phoenix," 42 katao ang nailigtas, at 47 iba pa ang nasawi: 43 sa mga natuklasang bangkay ay nakumpirmang mamamayang Tsino. Samantala, may isa pang nalalabing bangkay ang naiipit sa bapor na "Phoenix."

Sa hinaharap, palalakasin ng Lalawigang Phuket ang pangangasiwa sa kaligtasan ng mga bapor, sa tatlong aspektong kinabibilangan ng mga bapor, marinero at pasahero, dagdag pa niya.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino