Pangulo ng South Korean, bumiyahe sa Singapore

2018-07-16 10:36:22

Mula Hulyo 11 hanggang 13, 2018, sa kanyang biyahe sa Singapore, kinatagpo ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea ang mga lider ng Singapore upang magkakasamang talakayin ang mga isyung gaya ng pagpapalakas ng bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Nakuha ng "New Southern Policy" na iniharap ng Timog Korea ang positibong reaksyon ng Singapore, kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Makaraang umupo sa puwesto, iniharap ni Pangulong Moon Jae-in ang "New Southern Policy" na naglalayong pasulungin ang kooperasyon ng sampung (10) bansang ASEAN at Timog Korea sa larangang pangkabuhayan.

Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Hulyo 12, kay Moon Jae-in, ipinahayag ni Pangulong Halimah Yacob ng Singapore na winiwelkam ng kanyang bansa ang pagpapalakas ng kooperasyon ng ASEAN at Timog Korea sa pamamagitan ng nasabing patakaran. Ipinahayag naman ni Moon Jae-in ang pag-asang magiging komong hangarin ng Timog Korea at Singapore ang patakarang ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino