Huling bangkay ng nasawi sa aksidente ng paglubog ng bapor sa Phuket, tinanggap ng Embahador na Tsino sa Thailand

2018-07-16 10:46:32

Nitong Linggo ng gabi, Hulyo 15, 2018, magkasamang tinanggap sa Phuket Deep Sea Port ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, at ng panig Thai ang huling bangkay mula sa paglubog ng travel ship sa Phuket. Kinumusta rin nila ang ilang work staff at boluntaryo ng mga bansang kalahok sa search at rescue operation. Dumalo sa nasabing aktibidad ang mahigit isang daang (100) opisyal na Tsino at Thai, at mga kamag-anakan ng mga biktima.

Ipinahayag ni Lv na sapul nang maganap ang aksidente, mahigpit na nagkokoordinahan ang Tsina at Thailand para maisagawa ang search at rescue operation. Aniya, sa loob ng 11 araw, napagtagumpayan ng dalawang panig ang mga kahirapang tulad ng masamang lagay ng panahon, at natuklasan ang lahat ng bangkay ng mga nasawi.

Hinimok din niya ang mga kaukulang panig ng Thailand na pabilisin ang imbestigasyon sa aksidente para ilabas ang isang obdiyektibo at pantay na investigation report.

Pinasalamatan naman ng panig Thai ang ibinibigay na pagkatig ng panig Tsino sa paglutas sa nasabing aksidente, tulong mula sa Chinese rescue team, at puwersang panaklolo ng iba't-ibang panig.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino