Direktang flight sa pagitan ng Nha Trang ng Biyetnam at Haikou ng Tsina, binuksan

2018-07-16 15:53:28 CRI

Dumating noong madaling araw ng ika-14 ng Hulyo, 2018 ang Flight VJ5286 ng VietJet Air sa Haikou, Lalawigang Hainan sa timog ng Tsina mula sa Nha Trang ng Biyetnam. Ito ang unang flight sapul nang buksan ang direktang rutang panghimpapawid sa pagitan ng Nha Trang at Haikou.

Ngayong Hulyo ng taong ito, binuksan ang mga flight sa pagitan ng Sanya, Hainan at Macao, at Sanya at London. Bukod dito, tinatayang bubuksan din sa Hainan ang mahigit 10 iba pang transnasyonal na flight sa huling hati ng taong ito.

salin:lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino