Gloria Macapagal Arroyo, nahalal bilang bagong ispiker ng mababang kapulungan

2018-07-24 15:31:31 CRI

Lunes ng gabi, Hulyo 23, 2018, idinaos ang plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas kung saan nahalal ang dating pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong ispiker ng mababang kapulungan.

244 na mambabatas ang kalahok sa nasabing plenaryo. Ipinatalastas sa pulong ang pagtitiwalag sa tungkulin ng kasalukuyang ispiker na si Pantaleon Alvarez. Sa pagboto kasunod nito, nahalal si Arroyo sa pamamagitan ng 184 na boto ng pagsang-ayon laban sa 48 boto ng pagtutol, at 12 ang hindi bumoto. Pagkatapos nito, nanumpa sa tungkulin si Arroyo bilang unang babaeng ispiker ng mababang kapulungan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ipinalalagay ng media ng Pilipinas na si Arroyo ay kaalyadong pulitikal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pagkaraang manungkulan siya bilang ispiker ng mababang kapulungan, tutulungan niya ang kasalukuyang pamahalaan na tanggapin ang mas maraming suporta sa mababang kapulungan, sa pamamagitan ng sarili niyang karanasang pulitikal at kakayahan sa pag-uugnayan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino