Lombok Island, niyanig ng lindol

2018-07-29 15:22:38

Naganap kaninang madaling araw, Hulyo 29, 2018, ang magnitude 6.4 na lindol sa Lombok Island, Indonesia. Ayon sa Departamento ng Pakikibaka laban sa Lindol ng bansang ito, tatlong (3) katao ang nasawi, at mahigit sampung (10) gusali ang nawasak sa lindol.

Pagkaraan ng lindol, naganap din ang ilang aftershocks. Ngunit hindi isinapubliko ng nasabing departamento ang tsunami warning.

Ayon sa Consulate General ng Tsina sa Kota Denpasar, punong lunsod ng Bali Island, hanggang sa ngayon, wala pang napaulat na kasuwalti sa mamamayang Tsino sa nasabing lindol.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino