Puno ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia, nagbitiw sa tungkulin dahil sa insidente ng pagkawala ng flight MH370

2018-08-01 18:09:36

Ayon sa ulat ng imbestigasyon sa pagkawala ng flight MH370 ng Malaysia Airlines na inilabas Lunes, Hulyo 30, 2018, tinukoy nito ang kabiguang sumunod sa regulasyon ng Air Traffic Control Center ng Kuala Lumpur. Kaugnay nito, nagbitiw Martes, Hulyo 31, sa tungkulin si Azharuddin Abdul Rahman, Puno ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia.

Nagpalabas siya ng pahayag na nagsasabing nitong nakalipas na 4 na taon, nagsikap siya hanggang sa abot ng makakaya para magbigay-tulong sa paghahanap ng nawawalang flight MH370, at lubos na ikinalulungkot ang pagbibitiw sa tungkulin bago mahanap ang kasagutan sa insidente.

Ayon sa ulat ng imbestigasyon, di pa tiyak ang sanhi ng pagkawala ng eroplano. Pero pagkatapos ng imbestigasyon at pag-aanalisa sa mga impormasyon ng iba't ibang panig, ipinalalagay ng ulat na pabaya sa pagsasalin ng impormasyon ang mga departamento ng pagkontrol sa trapikong panghimpapawid ng Malaysia at Biyetnam. Pagkaraang mawalan ng kontak ang eroplano, walang rekord ang nagpapakitang napapanahong ipinaalam ng Air Traffic Control Center ng Kuala Lumpur ang kaukulang impormasyon sa hukbong panghipapawid ng Malaysia, at hindi nito tuluy-tuloy na sinubaybayan ang lokasyon ng eroplano.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino