Lindol, naganap sa Indonesia

2018-08-07 12:23:47 CRI

Ipinahayag kahapon Agosto 6, 2018 ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia na naganap kamakalawa ang 7.0 magnitude na lindol sa Lombok, isla sa lalawigang West Nusa Tenggara ng bansa. Lumikha ito ng malaking kapinsalaan sa buhay at ari-arian. Sa kasalukuyan, 98 katao ang kumpirmadong namatay, at 236 iba pa ang nasugatan. Bukod dito, libu-libong gusali ang nasira.

Ayon naman sa pahayag na inilabas nang araw ring iyon ng National Search and Rescue Agency ng bansa, apektado ng lindol ang libu-libong turista sa Lombok. Sa kasalukuyan, 3 libo sa kanila ang nailikas at patungo na sila sa mga ligtas na lugar.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino