Relasyong Sino-ASEAN, pumasok na sa bagong yugto ng komprehensibong pag-unlad

2018-08-07 14:13:19 CRI

Sa katatapos na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina sa Singapore, nagkaroon ng komong palagay ang Tsina at iba't ibang bansang ASEAN hinggil sa China-ASEAN Strategic Partnership Vision 2030, kung saan nakalakip ang bagong balangkas na pangkooperasyon ng dalawang panig. Narating din nila ang single draft negotiating text ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), para pabilisin ang pagbuo ng COC. Ipinakikita ng mga bungang ito, na pumasok na ang relasyong Sino-ASEAN sa hinog na panahon ng pagpapataas ng kalidad at bagong yugto ng komprehensibong pag-unlad.

Ang taong ito naman ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Ayon sa estadistika, kung ihahambing sa 15 taong nakaraan, lumaki ngayon ng halos 10 ulit ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig, at lumaki naman ng halos 13 ulit ang bilang ng mga mamamayang bumisita mula sa kapwa panig. Ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng ASEAN nitong nakalipas na 9 na taong singkad, at ang ASEAN naman ay ikatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina nitong nakalipas na 7 taong singkad. Naisakatuparan ang napakalaking pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, at nakikita rin ang namumunong papel at konkretong bunga ng kanilang kooperasyon.

Ang China-ASEAN Strategic Partnership Vision 2030 ay may pag-asang ilalabas sa Summit ng ASEAN at Tsina na idaraos sa darating na Nobyembre ng taong ito. Ang dokumentong ito ay magbibigay ng patnubay sa direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN at magpapasulong sa kanilang estratehikong kooperasyon sa mas magandang kinabukasan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino