Single negotiating text ng COC, breakthrough: Alan Peter Cayetano

2018-08-08 11:07:59 CRI

Maynila—Sinabi ni Kalihim Alan Peter Cayetano ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) na "breakthrough" ang single negotiating text ng Code of Conductin the South China Sea (COC).

Sa preskon Martes, Agosto 7, 2018, sinabi ni Kalihim Cayetano na "nagkakaisa ang mga bansang ASEAN at Tsina sa pangangailangan ng pagkakaroon ng epektibong Code of Conduct."

Sa kanilang pagpupulong sa Singapore Agosto 2, napagkasunduan ng mga ministrong panlabas mula sa Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang single draft document na magsisilbing batayan para sa pagsasanggunian ng COC.

Idinagdag pa ni Cayetano na tinatalakay pa rin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang timeline para sa pormal na negosasyon.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino